Gabay sa Pagkikipag-usap sa may Malubhang Sakit

Serious Illness Conversation Guide

MAG-SET UP SET UP the conversation
Gusto kong makipag-usap kasama ka tungkol sa mga nangyayari sa iyong kalusugan at kung ano ang mahalaga sa iyo. Ayos lang ba ito sa iyo?

TASAHIN ASSESS patient understanding
Para matiyak na magbabahagi ako ng impormasyong makakatulong sa iyo, maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong pag-unawa sa mga nangyayari sa iyong kalusugan ngayon?

Gaano karaming impormasyon tungkol sa hinaharap ng iyong kalusugan ang magiging kapaki-pakinabang?

IBAHAGI ANG PROGNOSIS SHARE PROGNOSIS/ANTICIPATORY ADVICE
Gusto kong ibahagi ang aking pang-unawa kung ano ang kalagayan ng iyong kalusugan: [Pumili ng isa]

Hindi Tiyak: Maaaring mahirap hulaan kung ano ang mangyayari. Umaasa akong magiging mabuti ang pakiramdam mo hangga't maaari sa mahabang panahon, at magsusumikap tayo patungo sa layuning iyon. Posible rin na mabilis kang magkaroon ng sakit, at sa palagay ko mahalagang paghandaan natin iyon.

OR

Oras: Sana hindi magiging ganito ang sitwasyon. Nag-aalala ako na ang panahon ay maaaring maging kasing-ikli ng      [ipahayag ayon sa haba: ilang araw hanggang ilang linggo, ilang linggo hanggang ilang buwan, ilang buwan hanggang isang taon].

OR

Pagganap: Maaaring mahirap hulaan kung ano ang mangyayari. Umaasa akong magiging mabuti ang pakiramdam mo hangga't maaari sa mahabang panahon, at magsusumikap tayo patungo sa layuning iyon. Posible rin na mas mahirap gawin ang mga bagay dahil sa iyong sakit, at sa palagay ko mahalaga na paghandaan natin iyon.

Huminto: Hayaan na maging tahimik. Tanggapin at siyasatin ang mga emosyon.

SIYASATIN EXPLORE goals & values
1. Kung lumalala ang iyong kalusugan, ano ang iyong pinakamahalagang layunin?

2. Ano ang iyong pinakamalaking alalahanin?

3. Ano ang nagbibigay sa iyo ng lakas habang iniisip mo ang hinaharap?

4. Anong mga aktibidad ang nagbibigay ng kagalakan at kahulugan sa iyong buhay na hindi mo maiisip na mabubuhay nang wala ang mga ito?

5. Kung lumalala ang iyong kalusugan, gaano ka kahandang pagdaanan ang mas malalang sitwasyon para sa posibleng mas mahabang panahon?

6. Gaano karami ang alam ng mga taong pinakamalapit sa iyo tungkol sa iyong mga priyoridad at kagustuhan para sa iyong pangangalaga?

7. Sa lahat ng napag-usapan natin, ano ang iyong inaasahan para sa iyong kalusugan?

TAPUSIN CLOSE with a recommendation
Narinig kong sinabi mo na              . Habang isinasaisip iyon, at kung ano ang alam namin tungkol sa iyong kalusugan, inirerekomenda ko na kami ay       . Makakatulong ito sa amin na matiyak na sumasalamin ang iyong plano sa pangangalaga sa kung ano ang mahalaga sa iyo. Ano ang palagay mo sa planong ito?

Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para matulungan kang malagpasan ito.

Click here for instructions on documenting your conversation in Epic.